#IponingTips for #MotteinManila

_IPONINGTIPS (1)

Bes, concert na ni G-Dragon dito sa September 1, bes! Gusto mo bang makita si G-Dragon? Pwes, mag-ipon ka!

So ayon! HAHA, I’m not even sure if makakapunta nga ako sa Motte in Manila, but I just want to share some iponing tips for GD’s concert, para na rin maraming Filo VIPs ang maka-witness kung gaano ka-legendary ang king of Kpop a.k.a Kwon Jiyong (lowkey lifts the chair of my king).

Pero iyon nga, here’s some saving tips para sa nalalapit na concert ng baby nating si GD. I hope this will help you guys out! 💖


1. BE OPTIMISTIC. Siyempre, having a positive mindset is a must, mga bes! H’wag tayong nega! ‘Wag isipin na wala kang pag-asang makita si GD dahil wala kang pera. Dahil I’m telling you, mumshie, nagagawaan ng paraan ‘yan! If there’s a wheel, there’s a way! Kaya positive vibes only!

“Wala akong pera, pero makakaipon ako!” Gan’yan, mumsh! Make GD as your motivation para g na g tayo sa pag-iipon. Gawin mo siyang wallpaper! Gawin mong alarm ringtone ang Crooked o Bullshit para maganda ang panibagong araw mo ng pagi-ipon. Ganern!

2. MAGLAKAD KA NAMAN, MUMSH! Hindi pwedeng jeep ka ng jeep! Hindi pwedeng tricycle ka ng tricycle! Mag-lakad ka nang makaipon!

Kidding aside, kung short distance lang naman ang school niyo sa bahay niyo, edi maglakad ka nalang, girl! Nakaipon ka na, nakatipid ka pa! If hindi naman kaya kasi pagod na pagod niya ang mumshie niyo, gumamit ng mas cheap na means of transportation. ‘Di bale nang masira ang bagong suklay na hair sa pagksakay sa jeep, basta makita mo lang si Gudo sa September 1!

3. BAWASAN ANG KAIN, GIRL! Ang taba mo na, bes! Mag-diet ka naman! Dejk. Kidding aside, kung kaya mo naman mag-baon ng lunch and snacks, mag-baon nalang, kaysa bibili pa sa canteen. Dagdag gastos kasi. HAHAHA. Tsaka para pamasahe lang ang ibabawas mo sa baon mo. Oh, ‘di ba? Pumayat ka na, nakatipid ka pa!

Pero mumshies, don’t starve yourself, ha? Hindi masasayahan si Gudo kapag ginugutom niyo ang sarili niyo, tandaan niyo ‘yan!

4. ACADS BEFORE LAKADS. In short, bawasan ang gala, mga ate girl. Directly proportional kasi ang mga gala niyo sa gastos. Chos! Pero kasi siyempre, imposible naming makagala ka nang hindi ka gumagastos. So more lakads=more gastos. Kapag nat-tempt kang gumala, mag-aral ka nalang! Tumaas na grades mo, naka-ipon ka pa. Double kill!

Friendly tip; ‘wag niyo nang dalhin lahat ng pera niyo sa school o kung sa’n man kayo pupunta. Kapag kasi marami kayong dinalang pera, lalo lang kayong mat-tempt na gumastos nang gumastos. Eh kung kaunti lang ang dala mong pera, e’di alam mong may limit lang ang pag-gastos mo. Genern.

5. EVERY PISO COUNTS. Hindi ko alam kung ako lang ba ‘yung nagtatapon ng piso kasi ang bigat sa wallet. HAHAHAHA. Pero ‘yun nga. Bawat piso at mahalaga. Bawat piso na meron ka, ipunin mo! Tignan mo, magugulat ka nalang at naging isang-daan na ‘yang piso-piso mo, bes! Kaya ‘yun, ‘wag nang mag-tapon ng barya!

6. MAGPABUO NG PERA. Kung may piso-piso na kayong dumarami, ipabuo niyo na ‘yan, mumshies! Kapag kasi barya ang pera niyo, mas mat-tempt kayong gumastos niyan. Eh kung buo, ‘di ba nakakahinayang? Tapos mas nakaka-motivate pang tignan ‘yung buo-buong bills. Seryoso! Kapag nakikita kong may isang libo na sa alkansya ko, mas lalo akong namo-motivate na mag-ipon pa para maparami sila! HAHAHA.

7. MANLIMOS. Pero hindi literal, ha! ‘Yung mga pakalat-kalat lang na barya sa mga bahay niyo, ipunin mo na! Limos limos lang, at ‘wag nang mahiya! Dumamoves na sa mga sukli-sukling pakalat-kalat sa mga bahay niyo!

Tapos girl, alam niyo ba ‘yung kasabihan na kapag hindi niyo binibilang ang pera niyo, dadami ‘yan? Hindi? Pwes, alamin niyo! Kasi ganito ‘yan, kapag raw bilang niyo ang pera niyo, mas mat-tempt kang gumastos. Kaya advice lang, friend. Ipon lang nang ipon! ‘Wag nang bilangin kasi ikaw rin, mauubos mo ‘yan!

8. DISCIPLINE YOURSELF. Kung wala ka nito, next con ka nalang, ‘te. Kasi hindi ka naman mags-succeed sa pagi-ipon kung wala kang kontrol sa sarili mo. Hindi ka makakaipon kung hindi mo mapipigilan ang sarili mo sa pagbili ng kung ano-anong bagay. Remember why you’re saving your money. Tandaan mo na si Gudo premyo sa lahat ng paghihirap mo na ‘to, kaya bes, disiplina!

9. DO OR DIE. Bes, Motte in Manila will be our last chance to see G-Dragon live! Kung magpapatumpik-tumpik ka pa, anuna?! And there is no such thing as ‘enough’ sa pagi-ipon. Until the prices aren’t announced yet, isipin mo lagi na kailangan mo pang mag-ipon! Dito sa pagi-ipon na ‘to, mas okay nang sobra kaysa kulang! Though, I’ll doubt na magiging sobra iyan. Kasi siyempre, magpapaprint ka pa ng shirt, bibili ng lightstick at kung ano-ano para siyempre, ultimate VIP ka pagdating mo sa concert venue!

And I’ve seen a tweet na BAKA raw umabot sa 4k ‘yung general admission for Motte. Oh, ano, gastos pa more!

10. DO GOOD, AND YOU WILL BE REWARDED. May kailangan ka, bes. Magpakabait ka naman! Ngayon pa lang, maghugas-hugas ka na ng mga plato at magwalis-walis para naman payagan ka! Aanhin mo ‘yang ipon mo kung wala kang approval ng parents mo? Hindi pwede ‘yong ang sungit-sungit mo sa mga magulang mo, tapos pagdating ng ticket selling, magd-demand ka na bilhan ka nila ng ticket. ‘Wag tayong unfair sa mga magulang natin, bes!

At tsaka, gawin mo ‘tong motivation para maging better ka sa lahat ng bagay. Mag-aral ng mabuti para payagan ng parents. Magsipag para payagan ng parents. Ganeeern!


So there you have it! 10 #IponingTips for #MotteinManila! So ano, bes? Feel inspired yet? Kung hindi parin, next con ka nalang! Dejk. Pero iyon, goodluck sa pagi-ipon nating lahat! Tandaan mo lang na you deserve to be part of the yellow ocean. Deserve mong maging isa d’on sa mga sumisigaw ng fanchants sa Motte. Deserve mong makita si GD! Kaya ano pang hinihintay mo, bes? Mag-ipon ka na, and go for it!

If you already got your tickets (siyempre kapag ticket selling na lmao), please let me know kung anong section kayo and anong seat? Let’s meet and be friends! (Kala mo sure na sure nang makakapunta, eh.)

And guys, if you’re looking for cheap merchandises for Motte, I suggest na i-check niyo ‘yung account ng @cezzsyshoppe on Instagram. Naka-bundle ‘yong merch sakanila so talagang mas makakamura kayo. And if you guys are doubting if they’re legit, I’ve already had a transaction with them n’ong One K Concert in Manila. My transaction with them was very smooth kaya I hope that you guys will check their store out as well.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s